<< December 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31

it's been quite a while...

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed

Saturday, June 03, 2006
lumipas na ang panahon...

oh well...it's been like light years....last entry ko ay 2004 pa. *haggard*...

madami na ang nangyari...ang mga pagbabago...mga bagong nakilala... mga naging kaibigan... mga mahahalagang napag-aralan at natutunan...

 

---hindi ito drama...or let's just say gusto ko lang magmuni-muni.....

nakakatuwang isipin na malaki na ang mga ipinagbago ng mga pananaw ko...lalo na sa larangan ng puso-puso...haha....masayang basahin ang mga  'thoughts' and 'ideas' ko before...  (sorry kung ganito ako magsulat...imaginin nyo ..ganito rin ako magsalita.....may "R" deficiency nga lang)....

ngayon...im feeling much better. unti-unti  ng nagsisink-in sa akin na graduate na nga ako. On time ako awa ng dyos...pero kung alam ko lang na ganito pala ang feeling ng graduate, sana di ko nalang ipinasa ang mga subjects ko. .. gusto ko pa mag-aral. gusto ko pang tumambay sa vinsons habang nakikipagdiskusyon o nakikipagtawanan sa mga orgmates, gusto ko pang pumunta sa lib para matulog.gusto ko pang magpalipas ng oras sa katag kasama ang mga bechies ko, gusto ko pang dumaan sa fc para makita ang crush ko, gusto ko pang magsimba sa chapel, gusto ko pa magfoodtrip sa campus........hay....madami pa akong gustong balik-balikan...

nakakaloka. nakakatakot. nakakagimbal (exaj!).

 

pero kaya ko to.

kakayanin ko to.

 

 

 

 

 


Posted at 09:43 pm by czarina
Make a comment  

Wednesday, November 17, 2004
sabay

Ngayong sem, hindi ko inaasahang magiging kakambal ko itong si Deneb. Kaw ba naman, kulang na lang magkapalit kami ng mukha sapagkat araw-araw na lang kami ay magkasama. Kaklase ko siya sa lahat ng majors at electives maging sa ge na rin. Sabay kaming lumayas sa class ni Bulan at sabay kaming naghanap ng class na pamalit doon, sabay kaming nagmakaawa sa prof sa envisci na tanggapin kami, sabay kaming nakipagmatigasan kay kuya lem para magpapirma, sabay kaming pumunta sa registrar, sabay kaming nagtiis sa mahabang pila sa PNB, sabay kaming tumawa, sabay kaming humalakhak, sabay kaming magpacute, sabay kaming magmaganda, sabay kami...hAYYYYYYYYY.....nakakapagod......nakakaubos ng lakas..pero ok lang naman..kse may kasabay...

Posted at 12:41 am by czarina
Make a comment  

Thursday, November 04, 2004
NEW SEM, NEW LIFE

i'VE GOt four majors this semester and a total of 18 units all in all... Honestly, i want the classes to resume as soon as possible because I'm now motivated to do good this sem...After all I wanna graduate on time.....Despite the circumstances that I'm in to...I know I can achieve my goal...My will and determination keep me going...I'm not doing this for my mom, or for my dad, or for my family...call me self-centered and narscicistic because I'm doing this for myself.... Wish me luck.

Posted at 11:24 pm by czarina
Make a comment  

UP KONG MAHAL

Whew... At last....I want to congratulate myself for a job well done--finally, natapos ko na rin ang assessment!!!whew...bayaran na lang... Sobra...Astig talaga ang enrolment dito sa peyups..swertehan....hahahah... i'm gonna share my tips on how to enroll the easy way in UP. 1. MAGING AWARE SA ANOUNCEMENT NG CRS. (pero wag kang magmamaganda at mauna sa pagenlist, kse sometimes hindi mapapagkatiwalaan ang crs, kadalasan laging may second batch pa rin...) 2. I-ENLIST NA LAHAT NA PWEDENG IENLIST SA CRS (kEBER na kung doble-doble ang subjects, the more subjects you have enlisted, the more chances of getting...) 3. GET UR REGMAT ON TIME (kse kung wala ito, wala kang silbi) 4. HUWAG NA HUWAG MAG HEELS (as much as possible, tsinelas lang ok na...kse gudlak sa pagbibuilding hops mo, remember may time pressure!) 5. MAGLOAD, MAGLOAD, MAGLOAD. (heheh..essential ito to save time, money and effort..para makikonnect ka na lang sa mga peepzz in case of emergency like knowing the slots and all.. 6.BRING FAN AND TISSUE. (hehhehhehhe..no need to elaborate...YUPI ito..what do u expect?!!!) 7. DON'T EXPECT. (base from my previous experiences...don't ever assume that you'll be getting your expected subjects, professors and time slots...believe me..masasaktan ka lang.) 8. DON'T PLAN.(y?? kse your sked for the semester is not in your hands...nasa CRS..OR nasa mga RA...hehehe) 9. BE REALLY REALLLY PATIENT..(kse u know, though we live in a world of choices, laging may excemption yan...at pag enrolment yan matetest...!!harhar..) 10. MAG-ENJOY( hmmm...yah....instead of making mura and making sisi some people...wag na lang..take it easy..ito ang greater challenge sa ating mga isko/iska..--isipin mo, it's worth the pagod and the hardships naman...kaya nga sa hirap ng enrolment, mahihiya ka na lang talagang idrop o isawalang bahala ang isang subject na dugo at pawis ang puhunan mo..) WELCOME BACK ISKOLARS NG BAYAN!!!!

Posted at 10:56 pm by czarina
Make a comment  

Friday, October 29, 2004
PAra Kay BOoCH

wAla lang. gusto ko lang pasalamatan si Booch sa lahat...Lam mo yan, i'm just so grateful that i have a friend like him. Yung tipong makikinig saiyo sa lahat ng oras... kahit paikot-ikot lang ang usapan ay talaga namang all-out ang supORTA....KAYA naman, butch thanks talaga. Pramis, aayusin ko na ang buhay ko...hahahahahh....salamat padi...!!!!"(katabi ko siya ngaun eh...)

Posted at 02:02 am by czarina
Make a comment  

hAbA NG hAIR

HAHAHAHHhahhaha....nakakakatawa!!!!!!!!!!!wala lang...kse ba naman, yung taga ateneong participant namin sa Pad, eh tinext ako...naglalandi....at nalaman kong crush ako ng bata!!!hahahah...kaya pala lagi akong linilibre ng dunkin donuts...hahahhah....nakakatuwa naman....(assuming noh?)tapos bigla ko siyang hiniritan, "may kuya ka ba?" PaNG-asar. hahahah wala lang.....nakakatuwa...comedy ito!

Posted at 01:47 am by czarina
Make a comment  

Wednesday, October 27, 2004
Nakakamizzzzzzz

Kasama ko si Luis at Katrina.GaLing pa lang kami sa Ponong. Fiesta ito. Nakakamissssss si Bane. Si Tita Sokie at mga kapatid nya.Higit sa lahat, nakakamiss ang Food.HIHIHIHI.... Parang ang bilis ng panahon...Syetttt...senti....kasi ba naman...matagal na rin kaming di-nagkita-kita...Tropa ko sila simula nung elementary....hanggang ngayon...Nakakatawa na nakakaiyak...Kanya-kanya na kami ng buhay.. Kanya-kanyang kwento...Naalala ko pa si LUis, grade 2 palang kami, pumupunta na yan sa bahay para makipaglaro at makipag-usap. Natatandaan pa rin kaya nya ang pagkadapa niya habang naglalaro kami ng patintero sa labas ng bahay? O ang paghabol sa kanya ng aso nina Bane sa Ponong?...hahahahaha....Habang si Katrina naman, simula pa Prep, Bestfriend ko na. Sabay kami nangongolekta ng stationaries noon...kasama sa lahat ng pupuntahan...at si Bane naman, ang kiliting tinubuan ng tao at mahilig sa stork...kung gusto kong umiyak nun, si Bane lang ang pinupuntahan ko....at pagkatapos nun, OK na ako....hayyyyyyyyyyyyyyyyyyyy.....nakakamissssss talaga.......................

Posted at 01:02 am by czarina
Make a comment  

Monday, October 18, 2004
WALA LANG


parang ghost town ang UP. Nakakatakot. Nagprodwork kami (sila pala at ako'y nakikigulo lang) hanggang alas dyes. Wala ng tao sa vinzon's. Maingay ang mga taga Kule. Pinuntahan ko sila para tingnan kung andun ang crush ko. wala. sayang. Asan kaya? Baka umuwi na sa probinsya. Nagugutom na ako... kinuha ko na lang ang video cam ng orgmate ko. Kinuhanan ko sila habang nagpprodwork. Nakakabagot. I-noff ko na lang at binalik sa lalagyan. Kinulit ko isang orgmate habang nag-eencode. Sabi ko patugtugin niya ang Mariposa ng sugarfree... At pumayag naman. Gumaan ang pakiramdam ko. Hayyyyy... Makatulog na nga. Hayyyyyy.... sembreak na. Nakakapagod.

Posted at 01:42 am by czarina
Make a comment  

Wednesday, October 13, 2004
mY cHRISTmAS lIST

“ People making list, buying special gifts, taking time to be kind to one and all….”

            It’s the first Christmas song I heard this year…

            Call me crazy or naïve, but yes I make  My Christmas List and send it to Santa Claus who I believe is someone who has the financial power to grant my wishes!

            1. LAPTOP

            2. EARRING HOLDER (yung iniikot-ikot)

            3. VENDO MACHINE (hahhahah…Basta.someday I’l have to own 1)

           

            ( kinda short noh yan lang muna…mga pansariling kasiyahan hahahhaha…I don’t know if it’ll come true…but im really pushing my luck a little harder…gudlak sa tatay ko!)

            My Grown-Up Christmas Wish

            1. MAAYOS ANG  SISTEMA NG EDUKASYON SA BANSA

            2. MAMATAY NA ANG MGA KURAKOT AT MAPANG-API

            3.MA ALIS ANG SAMU’T SARING OPRESYON SA LAHAT NG

    INSTITUSYON SA ATING LIPUNAN

4. MA-EMPOWER ANG MGA KABABAIHANG TAKOT

5. MATAMO ANG TUNAY NA TAGUMPAY NATING LAHAT.

 

(Kahit hindi na ako magkaroon ng material things na nailista ko sa unahan, basta kahit isa sa limang ito ang magkakatotoo, ako na ang pinakamasayang tao sa mundo. Pramis…)

 


Posted at 01:59 am by czarina
Make a comment  

Looking Back…

 

 

   -------àThis is my left mean brain speaking:

            Hayyyy…gusto kong matawa at maiyak in fairness…(happy mode dapat ito)…Matawa kse I feel so tanga… ganito ako eh, I like to laugh at myself lalo na kung kagagahan ang ginagawa ko at pathetic pa….hahahhahahaah….but past is past  davah!!!

Sometimes di maiiwasan ang mga *assumations  and *confusity  within me… And this time, I admit, MALI ako… the feeling that I think is “right” is actually “false”…wahahah… now I now it’s not right---or should I say completely wrong talaga….I was just so confused, badly hurt kse feeling ko I’m falling for someone  *mura* But Noh, this time… I’ve realized na hindi ko siya bet….*mura* Libog lang…(jowk!)hahhahahahahah….the truth is, hindi ko pa kaya magdyowa…self-centered pa rin ako and I hate commitments and compromises….(pero negotiable if si *****)….hahaha…wait, may nagtext sa akin right now, amazing kse feeling ko related dito…my friend texted (si TimAng):

LUV HAS ITS UPS AND DOWNS, ITS TWIST AND TURNS.LUV LIVS U PAIN & TICHES U UNTIL U LEARN, BUT EVEN F LUV TKES SO LONG, IT WIL ALWYS TKE U 2 WER U BLONG.

Ang masasabi ko lang ay…. “My Gollygoshgosh….really now??..hahahahh for me kse

 

“LOVE IS A STATE OF MIND. IT GROWS  OR IT FADES.ITS UP TO YOU IF YOU ARE READY TO TAKE THE RISK.AFTER ALL, LOVE IS A CHOICE!” diba…(mareply nga si TIMANG)

 

hahahha…Bitter ba ako???Nope. Never. Bahala na nga siya… Basta ngayong sembreak, OrgMode ako—Padunungan will be on Oct.20-23 sa AQUINAS UNIVERSITY, LEGAZPI CITY.  (sa mga alumni ng UP IBALON, we accept CASH and CHECK or in kind.. (contact nyo na lang ako thru my cp #. Bgay ko sainyo account #! ---I hope nababasa ito ni ATOMICA) hahahhahaha…. And next sem…ACAD MODE na ako for sure….

 

            I don’t know how to end this…ganito na lang, bigla na lang mawawala…(walang originality noh!)

Pakibasa:

(wag mange-alam sa may grammar ng may grammar, may sarili akong diksyonaryo ...this is MY SPACE so kebzz-kebzz at bawal alamin kung anong klaseng *mura* ang binabanggit ko…NAKAMAMATAY!)

 

 

 

 

 

           

 


Posted at 01:56 am by czarina
Make a comment  

Next Page